NEWS GANERN!
Wikang Filipino: Kalagayan sa Social Media
Totoo nga bang nanganganib ang ating Wikang Filipino sa umuusbong na Social Media o tinutulungan lang nitong mas mapalalim pa ang ating wika?
Ang wika ay isang buhay na sistema na patuloy na nagbabago at nadadagdagan sa mga dumarating na panahon lalo na't kung ang mga kabataan ay kalilimutan ang mga orihinal na wika at papalitan ng makabago't kakaibang salita.
(Courtesy of GMA)
"Hindi naman namamatay 'yon kaya lang hindi nagagamit, hindi in currency," paliwanag ni Almario na siyang pinuno ngayon ng Komisyon ng Wikang Filipino. "Parang fashion lang 'yan, uso-uso. Kapag hindi nagbago ang lengguwahe at hindi sumunod sa uso, mamamatay (ito)," dagdag niya.
(Courtesy of GMA)
Ngayon, sa ating Social Media marami na ang mga salitang nadadagdag at nababago na impluwensya ng mga makabagong teknolohiya at malawak na kaisipan ng mga netizen katulad ng mga salitang Hokage, Pak Ganern, Breezy at How to be u po? Na karamihan ang mga salitang ito ay malayo ang kahulugan sa pinaka salitang binabanggit at malayo sa kaalaman ng mga nakakatanda. Lumalabas rin na ginagawang mga pang aliw ng mga netizen ang mga nabanggit na salita.
Hindi naman masama sa ating wika ang Social Media kung alam ng ating mga Pilipino ang tamang paggamit nito sa Social Media.
Mahalin ang ating wika dahil ito ang dahilan ng pagkakabuklod-buklod ng bawat isa.
Sundan ang mga balitang Wika dito sa News Ganern!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento