Huwebes, Setyembre 15, 2016

Wikang Ibinaon, sa Media Uusbong?

NEWS GANERN!

                          

Social Media para sa Wikang Filipino!

Ayon sa pag-aaral ng Universal McCann na pinamagatang  "Power To The People - Wave3" ay idineklarang ang Pilipinas bilang "the social networking capital of the world," dahil ayon sa pagsisiyasat mahigit 83% ng Pilipino ay gumagamit ng Social Media at ang Pilipinas rin ang may pinaka aktibong netizens na gumagamit rito. 

Ayon sa aming pagsisiyasat sa mga netizens mas naging maunlad raw ang ating wikang Filipino sapagkat mas nakilala ng mga tiga-ibang bansa ang Pilipinas dahil sa paggamit ng ating mga netizens sa Wikang Filipino sa iba't ibang sangay ng Social Media.

Hindi raw maipagkakailang malaki ang naitulong ng Social Media para mas makilala pa ang ating wika.

Hindi naman masama ang pagdadagdag ng mga salita sa ating orihinal na wika. Ang mas mahalaga ay ingatan, respetuhin at huwag paring limutin ang sa ati'y ipinamanang wika dahil ang ating wika ang tunay na nakapagbigay ng kalayaan sa isa't isa. 

Sundan ang mga balitang Wika sa News Ganern!

Wikang Filipino Nangaganib nga ba sa Social Media!?

NEWS GANERN!

Wikang Filipino: Kalagayan sa Social Media

Totoo nga bang nanganganib ang ating Wikang Filipino sa umuusbong na Social Media o tinutulungan lang nitong mas mapalalim pa ang ating wika?

Ang wika ay isang buhay na sistema na patuloy na nagbabago at nadadagdagan sa mga dumarating na panahon lalo na't kung ang mga kabataan ay kalilimutan ang mga orihinal na wika at papalitan ng makabago't kakaibang salita. 

(Courtesy of GMA)

"Hindi naman namamatay 'yon kaya lang hindi nagagamit, hindi in currency," paliwanag ni Almario na siyang pinuno ngayon ng Komisyon ng Wikang Filipino. "Parang fashion lang 'yan, uso-uso. Kapag hindi nagbago ang lengguwahe at hindi sumunod sa uso, mamamatay (ito)," dagdag niya. 
(Courtesy of GMA)

Ngayon, sa ating Social Media marami na ang mga salitang nadadagdag at nababago na impluwensya ng mga makabagong teknolohiya at malawak na kaisipan ng mga netizen katulad ng mga salitang Hokage, Pak Ganern, Breezy at How to be u po? Na karamihan ang mga salitang ito ay malayo ang kahulugan sa pinaka salitang binabanggit at malayo sa kaalaman ng mga nakakatanda. Lumalabas rin na ginagawang mga pang aliw ng mga netizen ang mga nabanggit na salita.


Hindi naman masama sa ating wika ang Social Media kung alam ng ating mga Pilipino ang tamang paggamit nito sa Social Media.

Mahalin ang ating wika dahil ito ang dahilan ng pagkakabuklod-buklod ng bawat isa.

Sundan ang mga balitang Wika dito sa News Ganern!

Wikang Filipino at Social Media

NEWS GANERN!          

                                   

Wikang Filipino at Social Media

Ang koneksyon ng Wikang Filipino at Social Media sa Pilipinas ay mas lumalalim pa! Ang Wikang Filipino ang pangunahing wikang ginagamit ng mga Pilipino upang makipag-ugnayan sa kapwa Pilipino sa mga Social Media.