NEWS GANERN!
Social Media para sa Wikang Filipino!
Ayon sa pag-aaral ng Universal McCann na pinamagatang "Power To The People - Wave3" ay idineklarang ang Pilipinas bilang "the social networking capital of the world," dahil ayon sa pagsisiyasat mahigit 83% ng Pilipino ay gumagamit ng Social Media at ang Pilipinas rin ang may pinaka aktibong netizens na gumagamit rito.
Ayon sa aming pagsisiyasat sa mga netizens mas naging maunlad raw ang ating wikang Filipino sapagkat mas nakilala ng mga tiga-ibang bansa ang Pilipinas dahil sa paggamit ng ating mga netizens sa Wikang Filipino sa iba't ibang sangay ng Social Media.
Hindi raw maipagkakailang malaki ang naitulong ng Social Media para mas makilala pa ang ating wika.
Hindi naman masama ang pagdadagdag ng mga salita sa ating orihinal na wika. Ang mas mahalaga ay ingatan, respetuhin at huwag paring limutin ang sa ati'y ipinamanang wika dahil ang ating wika ang tunay na nakapagbigay ng kalayaan sa isa't isa.
Sundan ang mga balitang Wika sa News Ganern!